Story cover for ANG HINIRANG: Reincarnated As The Chosen Knight by Lablab224
ANG HINIRANG: Reincarnated As The Chosen Knight
  • WpView
    Reads 159
  • WpVote
    Votes 18
  • WpPart
    Parts 3
  • WpView
    Reads 159
  • WpVote
    Votes 18
  • WpPart
    Parts 3
Ongoing, First published Apr 23, 2024
Mature
ANG HINIRANG by LadyKnightMare

#adventure #disguise #rebirth #reincarnated #fantasy-history #intersex #futanari #assassin #taglishstory #rated18 #filipinonobela

__

SINOPSIS:

                         SI RHIAN matapos mamatay sa isang pananambang dahil sa kaaway ng kaniyang pamilya hindi inaasahang mabibigyan ng pagkakataon na muling mabuhay sa ibang katauhan at mundo? Nagising na lamang siya isang araw mula sa pagkakalunod sa isang ilog at malamang iyon ang naging pangalawang buhay niya dahil sa mga alaalang nagsalimbayan sa kaniyang isipan nang mahimasmasan siya. Wala siyang alaala na natatandaan tungkol sa bago niyang katauhan subalit nanatiling nakatatak sa kaniyang memorya ang alaala nang nakaraan niyang naging buhay; kung paano siya namatay mula sa mga kamay ng kaaway ng kaniyang angkan nang pilit na lumalaban upang mailigtas lamang ang buhay ng iba niyang mga kasama at kapamilya. Na tila hanggang sa mga sandaling iyon ay ramdam pa rin niya ang sakit kung paano siya paulit-ulit na sinaksak ng mahabang patalim (samurai). Ngunit hindi lamang ang kaalamang iyon ang gumulantang kay Rhian matapos mapagmasdan ang sariling repleksyon ng kaniyang bagong katawan. Hindi siya makapaniwala na magiging ganoon ang kaniyang anyo at bagong katauhan. At higit na nagpagulat sa kaniya ang kaalamang natatangi lamang sa mundong iyon ang katulad niya... Na kung may makakaalam man ay dalawa lamang ang kahahantungan niya... Magiging suwerte ba siya o mamalasin sa pangalawang pagkakataon ng kaniyang buhay?

___

©ALL RIGHTS RESERVED
All Rights Reserved
Sign up to add ANG HINIRANG: Reincarnated As The Chosen Knight to your library and receive updates
or
Content Guidelines
You may also like
AnGeL frOm tHe HeLL (kyrayle23) by KYRAYLE23
51 parts Complete Mature
Namatay sa isang car accident si Myles dahil sa sobrang kalasingan at lango sa ipinagbabawal na gamot...akala nya ay doon na magtatapos ang lahat para sa kanya, ngunit nagkakamali siya. Dahil sa siya ay makasalanan noong nabubuhay pa dito sa lupa,napunta ang kanyang kaluluwa sa Impyerno, kapiling si Lucifer. Sa kanyang pagiging matatag sa pagharap sa anumang pagsubok at parusa'ng iginawad nito sa kanya ay napili sya’ng maging isang alagad nito, ang maging ANGHEL na tagasunod sa lahat na ipag-uutos sa kanya. Ipinadala sya sa lupa upang maghasik ng kasamaan, dalhin sa kalungkutan ang mga masasayang nilalang at iligaw ng landas ang mga taong tagasunod kay Hesus upang mapunta ang kaluluwa ng mga ito sa Impyerno kapiling ang Hari Ng Kadiliman, sa oras na sila'y mawalan na ng buhay dito sa lupa. Ngunit hindi nya ito sinunod. Ang mga masasama ay hinatid nya sa kabutihan, ang mga naghihiwalay na mag-asawa ay kanyang muling pinagtatagpo sa isa't-isa at muling nagkakabalikan, at ang mga naliligaw ng landas ay muli nyang ibinalik kay Hesus. Lingid sa kanyang kaalaman, may isang nilalang na mula sa kalawakan ang lihim na nagmamasid at natutuwa sa kanyang kabutihang ginawa, na magbibigay sa kanya ng panibagong pag-asa. Paanu uusbong ang pag-iibigan ng dalawang nilalang na nanggagaling sa magkaibang mundo? Hanggang kelan nila kayang ipaglaban ang kanilang pag-ibig? May bukas ba'ng naghihintay para sa dalawang nilalang na wagas na nagmamahalan? TUNGHAYAN ANG PAG-IBIG NG ISANG ANGHEL MULA SA IMPYERNO! ang ANGHEL NI LUCIFER!!! ----------------------------------------------------------------------------------------------- Please vote and leave comments below. Any suggestions are welcome. Hope you enjoy reading. God bless!!!
You may also like
Slide 1 of 9
ANACHRONISM  cover
the reincarnted stupid daugther of the duke cover
My Special Ghost (COMPLETED) cover
The Lost Love/ Unedited cover
La Puerta del Tiempo  cover
Entasia 1: Something Magical cover
Reincarnation Of a Queen of Troublemaker In Another World cover
AnGeL frOm tHe HeLL (kyrayle23) cover
Trapped In  Mafia Boss Wife's Body cover

ANACHRONISM

9 parts Ongoing Mature

Nagising si Azaleah Evangeline Navarro sa isang mundong malayo sa nakasanayan-isang bayang banyaga, sa panahong tila nakalimutan na ng kasalukuyan. Sa katawan ng isang dalagang hindi niya kilala, may bagong pangalan, bagong pamilya, at bagong buhay siyang kailangang gampanan. Habang pilit niyang ginagaya ang mundong iyon, lihim niyang hinahanap ang daang pabalik sa sarili niyang panahon. Ngunit sa bawat araw na lumilipas, mas lalo siyang nalulubog sa mga hiwagang bumabalot sa kanyang pagkatao. Ang mga tao sa paligid niya'y may mga kwento at lihim na hindi agad mababasa sa kasaysayan. At habang sinusubukan niyang umiwas, unti-unti siyang kinakaladkad ng kapalaran pabalik-sa mga kasunduang hindi niya pinasok, sa mga ugnayang hindi niya inasahan, at sa isang lalaking maaaring maging sagot o panibagong tanikala. Kung ang tadhana ay nagkamali, paano niya ito itatama? At kung ang nakaraan ay hindi aksidente, may paraan pa ba siyang makatakas?