Isang babaeng walang pagkakakilanlan. At ang isang paring may malaking parte sa ating kasaysayan. Ano ang naging ugnayan nilang dalawa sa isa't isa? Bakit nanatiling lihim ang nangyari sa pagitan nila, dahil ba upang manatili rin ang nakatakdang dapat na mangyari sa kasaysayan? May nangalimot ba o sapilitang ipinalimot? Lumuluha siya... Ang paring si Padre Jose Burgos ay lumuluha at puno ng pagtutol ang ekspresyon sa kanyang mga matang nakikiusap. "Huwag mo akong iwan, Tala... Ayokong kalimutan ka, nakikiusap ako..."All Rights Reserved