Rowdy Little Miss
  • Reads 804
  • Votes 44
  • Parts 13
  • Reads 804
  • Votes 44
  • Parts 13
Ongoing, First published Apr 28, 2024
Mature
1 new part
FORMER TITLE: THE SENORITA RAISELLE'S VERSION

Isang galawgaw na dalaga mula sa taong 1926 ang naiipit sa dalawang desisyon: kung tutuparin ang kanyang dapat gampanan sa lipunan  o susundin ang matagal nang ninanais ng kanyang puso.

---

Kilala si Almira Amorin bilang isang dalaga na mahilig mamasyal sa mga kalye ng Escolta na nakabihis panlalaki. Paborito niya itong libangan para makapuslit siya sa kanilang tahanan. Ngunit nang malaman ito ng kanyang striktong ama, pinagbawalan na si Almira na gawin ang kanyang nakagawian.


Para magtino si Almira ay sinabihan siya ng kanyang lola na pagkatapos ng isang taon, kailangan na niyang makahanap ng mapapang-asawa. Kung hindi ay ipagkakasundo na siya sa isa sa mga may-kayang binata na kilala ng kanyang pamilya. 


Ngunit nang magkaroon ng pagkakataon si Almira na sumali sa isang patimpalak kung saan may salaping mapapanalunan, naisipan niya na maging kandidata ng Queen of Manila. Ipinangako niya sa sarili na gagawin niya ang makakaya niya para manalo at makapasok sa isang unibersidad. Ito lang ang tanging paraan para mapatunayan niya ang kanyang sarili at ipakita sa kanyang pamilya na hindi pag-aasawa ang kanyang kagustuhan sa buhay.

Ngunit paano matutupad ni Almira ang kanyang mga pangarap kung ang landas na kanyang tatahakin ay puno ng mga hadlang?


Started: 04/28/2028
Ended: ---
All Rights Reserved
Sign up to add Rowdy Little Miss to your library and receive updates
or
Content Guidelines
You may also like
You may also like
Slide 1 of 10
Penultima cover
The Time Capsule cover
Write Me A Heartache (The Starving Squad #2) cover
Wake Up, Dreamers cover
Project STARS: The Choice Experiment cover
Moving Into My Ex's House cover
Epicenter Tape #1: Eleventh Hour cover
Bride of Alfonso (Published by LIB) cover
Ain't No Other cover
Zero Seven (Book 3) cover

Penultima

10 parts Ongoing

Lumaking hindi kilala ang tunay na mga magulang, maagang namulat si Leroncillo San Roque sa kalupitan ng mundo. Ngayong nabigyan siya ng pagkakataong maipaglaban ang pagkakapantay-pantay, handa ba siyang isakripasyo ang lahat maatim lang ang hinahangad na tagumpay? *** Mulat sa bulok na sistema ng lipunan, tumatak sa isipan ni Leroncillo San Roque ang kawalan ng hustisya at hindi patas na trato sa mga mahihirap. Bagama't lumaki sa kalinga ng isang prayle, hindi pa rin naging madali ang daloy ng kaniyang buhay. Patuloy pa rin siyang sinusubok ng mga tao, ng pagkakataon, at ng tadhana. Ngayong naipit si Leron sa isang sitwasyon na maaaring magpahamak sa mga taong mahalaga sa kaniya, ano nga ba ang tamang hakbang upang makamit niya ang inaasam na kalayaan at hustisya? Magagawa ba niyang linlangin ang kalaban at mailigtas ang kaniyang amain at mga kaibigan? O mapupunta lamang ba sa wala ang lahat ng kaniyang pinaghirapan? Cover Design by Louise De Ramos