Sa mundong mapanghusga at magulo hindi kona kailan man hinangad o mangarap na makahanap pa ng lalaking gugustuhin ako, lalo na sa buhay na meron ako. Ngunit sa isang iglap, sa mundong puno ng problemang kinakaharap, isang lalaki ang handang makinig at buksan ang dalawang braso upang ako'y hagkan para gumaan ang aking pakiramdam. Hindi man pareho ng mundong kinagisnan ngunit pareho naman nang nararamdaman.