Palibhasa ay may rekord na sa pambabae, nang iuwi ni Mr. Beltran ng bahay si Mae, inakala ni Mrs. Beltran na nagloloko na naman ang asawa. Sa halip awaying muli ang lalaki, ang ginawa ni Mrs. Beltran ay nag- uwi rin ng sariling ampon. Napilitan nang makialam ang dalawang anak ng mga Beltran na sina Arnee at Rupert. Sa maigting na labanan ng mga damdamin ay higit na naipit si Mae, na kung bakit lihim pa siya napaibig sa panganay ng mag- asawang Beltran.