Para Las Filipinas: Unang Bahagi
20 parts Complete Nais lamang niyang makamit ang hustisya sa pagkamatay ng kanyang ama, ngunit sa panahon ng kolonisasyong Espanya sa Pilipinas kung saan sa panahong nabubuhay siya, sinabi nila na ang hustisya ay para lamang sa mga mayayaman.
Naganap sa isang mundong mas may pribilehiyo sa pag-aaral ang mga kababaihan, Pilipinas taong 1885. Sumusunod ang kuwento sa labing walong taong gulang na si Clarita Abellana, ang nag-iisang anak na babae ng isang mayamang Peninsulares na si Joselito Abellana, na naninirahan sa Pilipinas na kasalukuyang kolonya ng Espanya.
Nagsimula siyang dumalo sa isang seminaryo para sa mga kababaihan sa Cabanatuan, Nueva Ecija kung saan siya ay mahusay sa kaniyang pag-aaral at mahal na mahal ng marami sa kanyang mga kaibigan at kamag-aral. Naganap ang trahedya nang pumanaw ang ama ni Clarita at nalugi ang kanyang pamilya, naiwan siyang maging mahirap na ulila.
Hinimok siya palayo sa seminaryo, nagugutom, sa kalungkutan, at humihingi ng hustisya para sa biglaang kamatayan ng kanyang ama na hindi man lamang naipaliwanag nang maayos sa kaniya. Isang binatang nagngangalang Eduardo Reguyal, ang kaniyang dating tagapag-maneho ng karwahe, ang tumulong sa kaniya na maging isang katulong sa isang hindi kilalang panciteria na pagmamay-ari ng pamilya nito.
Upang makuha ang hustisya na nais niyang makamit, sumali siya sa isang espesyal na samahan ng mga manunulat kasama si Eduardo na tinawag na "Los Illustrados de las Filipinas", at ginawa siya nitong isang Illustrada na nagsusulat ng mga artikulo at panitikan na kinukutya at inaatake ang gobyerno ng Espanya.
Ang kuwentong ito ay ipinamumulat sa mga mambabasa ang tunay na kahulugan ng tiwala, pamilya, at pag-ibig. Samahan natin sila sa kanilang paglalakbay upang makamit ang hustisya at kalayaan, atin nang buksan ang kanilang kuwento.
Started: May 02, 2021
Finished: July 27, 2021