Simple lang naman ang gusto natin, ang mabuhay ng payapa habang nabubuhay pa tayo. Kaya hanggat maaari ay ineenjoy na natin ang buhay, pero may time na nagkakaroon ng thrill ang buhay natin. Michael, ang pangalan ng binata na nasa edad na 20's. Halos siya nalang ang naiwang pamilya ng kaniyang bunsong kapatid simula nang iwan sila ng magulang nila, kaya napunta sa pangangalaga niya ang kapatid nang nasa tamang edad na siya. At para makaranas naman ng masayang childhood ang bunsong kapatid ay nagpunta sila ng Siyudad kung saan nakatira ang kanilang Lolo at Lola. Pero sa di inaasahan na pagpunta nila, ay may isang malagim na pangyayari na kanilang masasaksihan.