Ako si Jade. Isa akong diyosa, joke! Ang totoo niyan maliban sa magandang pangalan ko ay wala ng ibang maganda salita na maikakabit sa akin. Tomboy. Makulit. Tamad. Walang pakialam sa paligid. Manhid. Prangka. Yan ang tingin sa akin ng ibang tao. Pero may BFF ako. Yes! As in Best Friend Forever. Trent ang pangalan niya. Isa siyang Alien. Joke ulit! Tao siya na parang hindi naman. Bestfriend ko siya kahit na madalas ay sinusungitan niya ako. Bestfriend ko siya kahit may pagkamalihim siya. Sa tuwing tinatanong ko kasi siya kung sinong crush niya ay bigla siyang nauutal. Daig pa niya ang alien dahil hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya kapag ang crush na niya ang topic namin. Dahil maawain ako ay naisipan kong tulongan minsan ang bestfriend ko. Kahit siya ang pinakamabait na taong nakilala ko sa earth ay siya rin naman ang pinakamalungkot sa lahat. Minsan ay naisipan ko siyang pasayahin pero sa ibang paraan nga lang. Dahil na rin siguro interesado ako tungkol sa inaamag niyang love life ay naisipan ko na paaminin siya at tulongan kung sakali na pormahan ang babaeng crush niya. Pero kilala ko ang tukmol na bff ko, hindi iyon basta aamin sa akin kahit lumunok pa ako ng bato ni darna sa harap niya. So, isang araw nagdala ako ng maliit na palaka sa school namin. Takot sa palaka si Trent kaya siguradong mapapaamin ko na siya tungkol sa babaeng nagugustohan niya. Naghabolan kaming dalawa. Nacorner ko siya at ganoon na lang ang tawa ko dahil halos umiyak na siya sa harap ko habang hawak ko ang palaka. “Oh, sige ihahagis ko na sa malayo ang palaka pero aminin mo na muna sa akin kung sino ang crush mo.” Sabi ko sa kaniya. Pero sana pala ay hindi na lang ako nagtanong. Mula kasi sa pagiging alien boy ay biglang nagtransform sa pagiging palaka si Trent. Bakit kasi bigla ay parang gusto na niya akong halikan. Frog prince na pala siya, ganoon?. Kokak! Kokak!All Rights Reserved