Minsan may isang manunulat. Marami siyang ideya at upang hindi mawala ito, gagawa siya ng kuwento. Pagkatapos itong simulan, nawawala ang ideya kaya hindi rin natatapos ang kuwento. Kalaunan, makakalimutan ang kuwento kaya hindi na nadugtungan. Ngunit paano kung isang araw lahat ng mga tauhan sa kuwentong ginawa niya ay bigla niyang makasalubong sa daan, maging kaibigan o sundan siya hanggang panaginip ? Paano kung ang mga tauhang ito ay katulad rin ng mga kaluluwa na naghahangad ng hustiya na ipagpatuloy ang kanilang kwento at hindi matatahimik ang manunulat na gumawa sa kanila hanggang hindi natatapos ang kanilang kwento?