Ayokong may kasamang naglalakad, "Eh sa doon din punta ko eh." Ayokong may kasabay umuuwi, "Sa iisa lang tayo ng subdivision eh." Ayokong nagsisilabas ng bahay, "Pag ininjan mo 'ko, makikikain ako sa inyo." Ayokong tinatawagan ako, "Nakakaloka na yang phone mo ha, kanina pa yan!" Lalong mas ayoko pag binibisita ako. "Ma'am, may naghahanap daw po sa inyo." Gusto ko ang ganitong buhay, payapa at tahimik. "Hoy Jologs!" Walang perwesyo. "Wag kang cute. Banatan kita jan eh." Sana magtuloy-tuloy na. "Aysus, sa akin din naman bagsak mo eh." Para everyday okay. ×××××××××××××××××××××××××××××××××××××××× That Introvert's Approach by Locketxxi All Rights Reserved © April 2015