Napakabata ko pa para maranasan kung ano ang nararanasan ng mga matatanda. Hindi ko alam kung kaya ko ba. Sa murang edad,naranasan ko na kung paano mahalin at magmahal ngunit ibang itong klaseng pagmamahal, isa itong pagmamahal na masarap sa pakiramdam kasi may kilig at sakit. Hindi ito yung tipong pagmamahal sa mga magulang, kaibigan,kamag-anak kundi para sa isang taong mararamdaman mo na kaya mong ibigay ang lahat pati kaluluwa. Naranasan ko na ding masaktan,lokohin,at magmove-on sa buhay. Yung dating kasabihang 'Ang Kabataan Ang Pag-asa Ng Bayan' ay parang naglaho sapagkat ang mga kabataan ngayon na tulad ko ay nakararanas na din ng dapat ay matatanda lang ang nakakaras.Ang bagong henerasyon ngayon ay kakaiba. Dito kadalasang ang mga kabataang dapat ay naglalaro at nag-aaral pa lamang ay may mga inaalagaan nang sangol sa sinapupunan. Madami sa mga kabataan ngayon ang napapariwara, dumadaan sa maling landas,nabubuntis,maagang lumandi at nagrerebelde. Maaga nga ba akong nagdalaga?...