Ano kaya problema ng lalaking ito at nakatingin lang siya sa akin ang weirdo niya pero ewan parang may sakit na ata ako dahil kanina pa hindi mapakali ang puso ko. Kapag hindi pa siya umiwas ng tingin iisipin ko may gusto siya sa akin. Ang taong ito kaya na nasa harap ko... may iniibig Nakaya siya? Possible niya kaya akong magustuhan? Mukha namang napaka imposible ng mga iniisip ko, ano ba Ara napaka assuming mo naman ang star swimmer ng school magkakagusto sayo... pero hindi rin naman imposible ang iniisip ko diba, hindi ba maganda naman ako... Ewan ko ba pero tuwing nakikita ko siya ay bumibilis ang tibok ng puso ko at napaka bango niya! Maliban sa Papa ko at sa mga kuya ko siya palang ang taong nakilala ko na ganun ka bango. Lumipas ang isang oras at dumating na rin ang sundo ko. "Ara, sorry na late ang kuya, nainip ka ba sa paghihintay?" tanong ni kuya ni Kuya Adam. Kung sa totoo lang nung una oo pero ayos lang dahil kahit sa maikling oras ay naka-sama ko si Caiden, maikli man ang aming pag-uusap pero sapat na yun para sumaya ang puso ko, nakakatawa kung iisipin dahil napaka babaw naman ng kasiyahan ko. Hindi ko na naikwento kay kuya ang tungkol kay Caiden dahil may pag ka OA ang kuya kong ito baka iba ang kaniyang isipin. Kinabukasan ay hindi ko na nakitang pumasok sa paaralan si Caiden nabalitaan ko na lang sa mga kalaro naming na lumipat na siya...kung alam ko lang na hindi ko na pala siya maki-kita edi sana hindi ko na siya pinauwi agad, ang araw na kala ko napakasaya ay ang siyang araw na iyon pala ang huling pagkakataon na makikita ko si Caiden.All Rights Reserved