Sabi nila tanga-tanga daw ako pag-dating sa pag-ibig. Paano ba naman kasi halos mag-fo-four years ko nang crush si Justin. But until now wala pa ring improvement yung status namin dahil hanggang ngayon frenemy pa rin kami. OO "frenemy", paano ba naman kasi away-bati kami. Sabi nga ng iba kong friends bagay daw kami kasi parehas na parehas daw kami. Tapos pag tinatanong ko naman kung paanong parehas ang sasabihin lang nila "Basta", tapos kapag tinatanong ko naman kung paano nangyari yun wala naman silang kibo. And then sabi ng mama ko lilipat na daw ako ng school, sa next school year para may kasama daw yung pinsan ko na mag-aral sa school na yun (Ahhh... Nakakainis). Tapos ang masaklap pa dun, dun na raw ako titira sa bahay ng tita ko dahil kapag sa bahay daw namin ako magi-stay mapapagod daw ako sa biyahe, kaya ayun dun na talaga ako titira for 1 year. At sa isang iglap magba-bago na ang buhay ko dahil sa isang lalaking nakilala ko.