Sa mga misteryosong sulok ng mundo, may mga kwento at paniniwala tungkol sa mga taong may espesyal na kakayahan na makakita ng mga bagay na hindi kayang makita ng pang kariniwang mata. Naniniwala kaba dito? Pa'no kung isa ka sa kanila. Sa isang misteryosong mansyon na puno ng kaluluwa at lihim, masasaksihan ang paglalakbay nina Leo at Pedro sa mundo ng kababalaghan at misteryo. Si Leo, isang mapusok na naghahangad ng mga kakaibang pangyayari, may natatangi itong kakayahang maka kita ng bagay na hindi nakikita ng pang karaniwang mata. magbabalik sa mansyon kasama si Pedro, isang taong may espesyal na kakayahan na makioag-ugnayan sa mga kaluluwa na patuloy na nininirahan sa mundo. Ang kanilang pagkikita ay magbubukas ng mga pintuan patungo sa kakaibang katotohanan at magdadala sa kanila sa mga hindi inaasahang pangyayari na magbibigay ng bagong kahulugan sa kanilang mga buhay. Handa ka na bang sumama sa kanilang paglalakbay sa mundong puno ng kababalaghan at misteryo?All Rights Reserved