Whispers of the Forgotten
53 parts Ongoing Isang barkada ang nagplano ng getaway sa isang lumang probinsya malayo sa siyudad, malapit sa kagubatan, at kilala raw sa mga kwento ng multo. Sa una'y masaya, puno ng tawanan at biruan, pero unti-unting nagbabago ang lahat nang magsimulang lumabas ang mga lihim ng nakaraan at mga nilalang na matagal nang nakakulong sa lugar.
Hindi lang bangungot ng gabi ang haharapin nila, kundi pati na rin ang bangungot ng katotohanang hindi nila kayang takasan.
At mas masakit pa, paano kung ang ex mo ay kasama sa trip... kasama ang bago niyang girlfriend? Paano kung hindi lang multo ang sumisira sa grupo, kundi ang selos, takot, at pagtataksil?
Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para mabuhay?