Celestina Alonzo Salvidar, isang babae na nagmula sa kasalukuyang panahon na mapupunta sa ibang mundo kung saan ang oras ay nagmula pa sa nakaraan. Sa mundo kung saan nananaig ang kapatiran. Sa kaniyang pagpasok roon ay kaniyang makikilala ang pangunahin tauhan sa kwento, ang batang heneral na nangngangalang Lucas. Sa kaniyang pagpasok sa mundong kathang-isip lamang, matatagpuan kaya niya ang totoong kahulugan ng pag-ibig? Pareho ba silang susugal sa ngalan ng pagmamahal? Ngunit sa kabila ng kanilang pagsugal ay siya namang pagpasok ng iba't-ibang mga hamon sa kanilang buhay. Mga hamon at katotohanan na kanilang matutuklasan. Pilit ba nilang babaguhin ang tadhana upang baguhin ang kanilang kapalaran? Sabay ba nila itong kahaharapin o patuloy nila itong tatakasan?All Rights Reserved