Hindi makapaniwala si Louisse na sa tatlong taon nilang pagsasama ng kanyang asawa ay may lihim rin pala itong kasintahan. Ngayon alam niya na kung bakit ayaw nito na magtabi sila sa kama. In their three years of marriage, ni walang nangyari sa kanila kahit na nakatira sila sa iisang bahay. Hindi rin siya magawang tignan o halikan man lang ng asawang lalaki. Iniisip tuloy niya kung gano'n na ba siya ka pangit sa paningin nito para pandirihan ng gano'n. Ngayong nalaman niya na ang sekreto ng asawa, hahantong siya sa desisyon na hindi niya alam kung kaya niya bang panindigan. Magpapanggap lang naman siyang kapatid nito. Kasabay ng pagpapanggap niya, ay ang tuluyang pagtatago niya ng totoong nararamdaman niya para sa lalaki. He loves the other woman dearly. He'll do everything and anything for her. Sa kabila ng matinding pag-ibig ng asawa niya sa babaeng karibal niya, ang patindi nang patindi ring pagmamahal niya para sa asawa. To the point na kahit masaktan siya nang harap-harapan ay titiisin niya huwag lang siyang iwanan nito, kuntento na siya na nakakasama ang asawa sa iisang bahay at araw-araw nakikita. She's Louisse Ariella Chua-Del Fierro, a woman who can both love and endure; and she's The Billionaire's Rejected Wife.All Rights Reserved