Isa lang ang ayaw kong pasukin sa buhay at yun ang TROUBLE. Bakit? Eh bukod sa mahirap makalabas pag nakapasok ka na, ay mabubura na ata ang existence ko dahil sa pagkatakot ko kay Dad. Highschool pa lang ako at very dependent pa. Si papa na ata ang kumokontrol sa buong pagkatao ko eh. Siya ang Principal sa school na pinapasukan ko at ang masaklap pa ay may kapatid akong nagpa-umpisa ng gulo na hindi ko inaasahan na masasangkot rin pala ako. Dito ko na makikilala si Kiel, ang leader ng sikat na clan, ang “Mafia”.. Grupo daw yun ng mga mayayaman, gwapo at maaangas na guys. Mahilig sila sa gulo at wala na ata silang ginawa sa buhay kundi ang makipag-away. Paano ako na-involve ? Well … basahin nyo na lang.