"Sa ilalim ng kontrol ng Espanyol at U.S., nagkaroon ng maraming pagbabago sa kultura, tradisyon, relihiyon, at wika dahil- AYAW KO NA!"
"Bakit ba kailangan kong gawin ito? Maikling kwento daw pero bakit labing-limang pahina! 'Ang Aking Pagbigkas'? Pagbigkas sa alin?" Itinigil ko ang aking pagbasa sa kwentong pinamagatang 'Ang Aking Pagbigkas' na isinulat ng isang sikat na may-akda na nagngangalang Imri. Ang ipinagtataka ko lang ay kung ano ang naisip ng aking ina noong isinunod niya ang aking ngalan sa may-akda. "Imri? Mai-search nga kung ano ibig sabihin noon." Sakto dahil ako'y nasa aklatan ng aming paaralan at may mga kompyuter dito na maaaring gamitin.
Sa pagpindot ko ng search button, may narinig ako kaluskos sa ibaba, tila may nahulog na gamit. Sinilip ko ang aking paanan at natagpuan ko ang isang panulat. Nakuha agad ng atensyon ko ang nakaukit dito, "Imri". Mas lalo akong nabigla noong nakita ko ang lumabas sa monitor ng kompyuter.
All Rights Reserved.
2024.