This story is my first published book (physical). Note: This is the raw version. Paano kung ang isang manang na nerd at isang guwapong pilyong lalake ay pagtagpuin ng tadhana? Iyan sina Ayesha at Adonis. Ang magkapitbahay na walang ibang ginawa kundi ang magbangayan. Ngunit isang araw, kakailanganin ni Ayesha ang tulong ng binata. Isang tulong na kailangan ding wakasan sa loob ng tatlumpong araw. Isang tulong na hindi dapat malaman ni Adonis. Isang tulong na maglalapit sa kanilang mga puso. Isang tulong na mauuwi sa pagmamahalan. Pero paano kung matuklasan ni Adonis ang katotohan sa likod ng pagiging malapit nila? Paano ngayon susuyuin ni Ayesha ang binatang natutunan na rin niyang mahalin sa loob lamang ng maikling panahon? Mangibabaw kaya ang kanilang pagmamahalan, o tuluyan na lang mauuwi ang lahat sa hiwalayan?
More details