Mahirap magising sa isang malalim na pagkakatulog kung ang dadatnan mo ay isang panibagong bangungot. Limang taon nang comatose si Lester Santiago, isang recessive omega pagtapos niyang ipanganak ang batang dinadala niya sa kaniyang sinapupunan. Subalit sa gitna ng kanyang mahimbing na pagkakatulog ay unti-onti na rin pala siyang tinanggalan ng karapatan sa batang ninais niyang palakihin kahit nag-iisa na lang siya. Nang magising si Lester ay nasa piling na ng ama nito ang kanyang anak kasama ang tao na tunay na iniibig ng kanyang ama.