Si Cleo Mitchell ay isang simpleng babae at namumuhay rin ng simple. Pangarap niya na makapag-aral sa Red Bridge University-isang tanyag na paaralan na labis niyang hinahangaan. Ngunit nag-iba ang takbo ng kaniyang buhay nang mamatay ang kaniyang Ina. Naiwan siya sa kaniyang matapobreng tiyahin at pinsan. Sa kabila ng paghihirap, inilaban ni Cleo ang kaniyang pangarap.
Si Bash Davis ay nag-iisang anak ng university owner at campus director-walang kawala sa tinatawag niyang sumpa. Kilala bilang istrikto, mainitin ang ulo, at sarkastiko, ngunit sa kabila ng kaniyang mga katangian ay marami pa rin ang humahanga sa kaniyang taglay na kagwapuhan. Mga babaeng handang mamatay at pumatay para sa kaniya.
Hindi planado, hindi pinag-usapan, at walang kasunduan-magtatagpo ang kanilang landas ng hindi inaasahan.
Ang dating maaliwalas na paghanga at pagtingin ni Cleo sa paaralan ay napalitan ng karimlan, lalo nang kaniyang maranasan ang kalupitan na hindi niya kailanman inaasahan.
Isang tradisyon ang pupukaw sa atensyon ng lahat. Libo ang nais mapabilang, sampu ang mapipili, ngunit isa lang ang maaaring magwagi.
Pakiramdam ni Cleo ay pinaglalaruan siya ng kapalaran, nang matuklasan na isa siya sa mga kandidata na magkokompetensya, hindi para sa korona kundi para sa singsing. Hindi niya gusto ang ideya ngunit buhay ang magiging kapalit. Para niyang sumalang sa isang laro na kailanman ay hindi niya ninais na mapabilang.
Ngunit sa paglipas ng mga oras, unti-unting mabubunyag ang sekreto ng nakalipas. Hahayaan ba nilang manipulahin sila nito? Magpapanggap na lang ba hanggang dulo, o hahayaang sakupin sila ng pag-ibig na hindi nakaplano?
05-17-24 🍀
Dean Lourance "Rance" Elizondo is a gay man and always been close to his Girl-bestfriend Alejandra "Alel" Moreira, who's fallen in love with him. He's fully aware of her feelings, but he knows that he will never feel the same.
Pero paano kung inaakala lang niya na hindi niya kayang mahalin ito pabalik? Paano kung hindi niya lang napansin ang pag mamahal para sa kaibigan na matagal na palang nandiyan, nakatago lang sa ilalim ng pag-aalinlangan?
Could it be that deep down, something he thought was impossible is actually possible?
Third book of Vexed Men Series.
Single Point Of View.