P R O L O G U E "Bakit ngayon ka lang?" He asked me matapos kong pumasok sa bahay. Nilagpasan ko lang sya. Akmang hahakbang na ako paakyat sa kwarto ko ng hawakan nya ang braso ko. "Ang ayaw ko sa lahat ay yung tinatalikuran ako kapag kinakausap ko. It's almost 10 PM na, ganyan ba ang oras ng pag-uwi ng matinong babae?" Galit na tanong nito sa akin. Takot man ako sa kanya pero mas pinili kong magtapang-tapangan. Inalis ko ang pagkakahawak nya sa braso ko. "Why do you care all of a sudden?" Tanong ko sa kanya. Natigilan sya ng bahagya. "Because I am your husband---" "Baka nakakalimutan mong sa papel lang tayo mag-asawa. IKAW mismo ang nagsabi nyan...kaya wag kang umasta na parang may pake ka saakin. Pinapaasa mo ako, gago ka!" Saad ko at tuluyan ng pumunta sa kwarto ko. Saktong pagsara ko ng pinto ay dun na rin bumuhos ang luha sa mga mata ko. B--bakit ang hina hina ko pa rin? Naipagtanggol ko nga ang sarili ko sa kanya kanina... Pero paano naman sa mga susunod na araw? Humilata ako sa kama ko. Kasalanan ito ng mga magulang ko eh. Why of all people, dun pa sa bully ko, ako pinakasal!! I hate this life!!! ***