DEAR SELF ; Ano kaya pa ba ? Kaya mo pa bang lumaban sa lahat ng sakit na dinadanas mo ? Hanggang kelan mo pa kakayanin ? kapag alam mong todo todo na pananakit sayo ? hanggang kelan mo pa kayang mag tiis kahit alam mong sobra ka nang nasasaktan !. Di ikaw to Self , kilala kitang malakas pero bakit ngayon sobra sobra kana sa pang hihina ? O sadyang pagod kana talaga sa lahat. Yung dating ikaw , madaming pangarap ee. Bakit ngayon kinakain kana ng napakalaking Emotion sa buhay mo? To the point na hindi muna yun na achieve kase may tao kang pinaglaban . Di ikaw yan Self ! kasi alam ko yung Ikaw marunong maging masaya sa buhay ee. Kayang kaya mong maging matapang ee. Pero bakit ngayon nag papadaig ka sa sakit na nararamdaman mo. Kaya ang Tanong Kaya paba self ? O Kinakaya nalang at nag papanggap na kaya pa ? Matapang ka self alam kung kayang kaya mong maging matapang , ikaw pa ? diba nga napaka strong ng personality mo ? Huwag mo hayaang may manakit sayo ng paulit ulit . Labanan mo yung Emotion mo. Huwag ka magpapadala sa lungkot at sakin. Alam kung kaya mo ! Kung kinaya ng iba kakayanin mo rin para sayong sarili . Iwanan mo yung mga masasakit na pangyayari . bigyan mo ng Freedom yung sarile mo. Hayaan mong maging masaya ka naman. - Nag mamahal : SELF LOVE ❤️❤️All Rights Reserved