Naniniwala ka ba sa tadhana? Destiny or Fate sa ingles. Sa ilang bilyong tao sa mundo naisip mo ba na may nakalaan para sayo? Naisip mo ba na ang taong para sayo ay nandyan lang at nag aabang din sayo. Maraming kang katanungan sa isipan mo, marami kang hiling na sana ay matupad. Katulad na lang ng ating bida sa kwentong ito. Si Gelo, sa edad niyang 30 years old. Napakarami pa niyang tanong sa buhay na hindi man masagot sagot. Marami siyang kahilingan sa may taas na pakiramdam niya minsan ay hindi naman naririnig. Pero ang mas importante sa kanya ngayon ay mabigay ang pangangailangan ng kanyang tinuturing na pamilya. Ganito siya kabuting tao. May malasakit sa mga magulang at nagpapaubaya para sa mga kapatid. Na sa kabila ng kanyang mga kagustuhan sa buhay ay mas inuuna pa niya ang pamilyang tinuring siyang totoong anak at kapatid. Pero may pagkakataon pa kaya siyang makahanap ng taong mag mamahal at magbibigay naman sa kanya ng alaga, na hindi puro na lang siya ang nagbibigay dahil sa totoo lang ay ubos na ubos na siya. Mabuti na lang at nandyan ang kanyang dalawang matalik na kaibigan, sumusuporta sa kanya at tumutulong. Ito si Gelo, hating subaybayan ang magiging takbo ng kanyang buhay.