"Ano ang iyong pipiliin?! Ang iyong buhay kapalit ng buhay ng iyong pamilya at kasintahan, o ang kanilang buhay kapalit ng iyo?!"
Isang napakalakas na hiyaw ang binitiwan ni Padre Luciano habang hawak-hawak ang buhok ng isang babaeng nakahandusay sa maputik na lupa at sinasabayan ng mga luha niya ang patak ng ulan. Walang may alam kung ano ang susunod na nangyari sa buhay ni Lorena, at kalaunan ay inakalang isa na lang itong alamat at kwento-kwento.
Lingid sa kaalaman ng nakararami, ay binigyan siya ng kasaysayan at ng tadhana ng pagkakataon na baguhin ang kaniyang kapalaran. Isang babaeng itinakda na tapusin ang kaniyang kwento upang malaman ang nangyari sa buhay nito. Isang babaeng kapangalan niya, ka-edad, kamukha, ngunit iba ang panahon na namamagitan sa kanilang dalawa.
Mapupunta sa nakaraan si Lorena Cecilia sa pamamagitan ng mahiwagang libro at sa gabay ng paruparo. It will give her a broad understanding about the history, and the struggles that the people in the Philippines long ago had experienced.
Magagawa ba ni Lorena Cecilia ang misyon na ibinigay sa kaniya ng kapalaran?
Sasang-ayon ba ang tadhana sa pag-iibigang tutol ang panahon?
THE RULES OF FATE by unknownsenyora.
Started: May 15, 2024