Story cover for Casa Mariquit by CallMekawri
Casa Mariquit
  • WpView
    LETTURE 159
  • WpVote
    Voti 0
  • WpPart
    Parti 10
  • WpView
    LETTURE 159
  • WpVote
    Voti 0
  • WpPart
    Parti 10
In corso, pubblicata il mag 20, 2024
"Hindi Ako Mahilig sa Kasaysayan... Pero Dinala Ako ng Tadhana sa Nakaraan."

Ako si Althea, isang photographer na mas pinipiling mag-capture ng kasalukuyan kaysa mag-aral ng nakaraan. Para sa akin, ang history ay puro petsa, pangalan, at bagay na wala nang saysay sa ngayon.

Kaya naman nang bigyan kami ng professor namin ng historical project, halos wala akong gana, hanggang sa napagdesisyunan naming puntahan ang Casa Mariquit, isang lumang ancestral house sa Jaro dito sa Iloilo.

Simple lang ang pakay ko: kumuha ng litrato. Pero sa unang hakbang ko sa lumang bahay na iyon, may kakaiba akong naramdaman. At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan... paggising ko, nasa taong 1886 na ako.

Biglang nagbago ang lahat, ang pananamit, ang pananalita ng mga tao, ang mga kalesa sa halip na kotse. Hindi ito panaginip. Totoo ito.

Sa ilalim ng bubong ng maimpluwensyang pamilyang Javellana, natutunan kong mamuhay sa isang panahong malayo sa kinagisnan ko. Doon ko nakilala si Maria, ang anak nina Don Ramon at Doña Leonor, at sa kabila ng lahat ng pagkalito ko, naging parang pamilya sila sa akin.

At ang hindi ko inaasahan, makilala ang isang ginoo na kayang pasikatin ang araw sa isang mundong hindi ko naiintindihan. Isang damdaming ipinagbabawal ng panahon. Isang sikreto na hindi ko alam kung kailan mabubunyag.

Hindi niya alam na hindi ako taga-rito.
Hindi ko alam kung paano ako makakabalik.

Pero ang tanong... kung mabigyan ako ng pagkakataong makabalik - gugustuhin ko pa bang iwan siya?
Tutti i diritti riservati
Iscriviti per aggiungere Casa Mariquit alla tua Biblioteca e ricevere tutti gli aggiornamenti
oppure
#989romancestories
Linee guida sui contenuti
Potrebbe anche piacerti
Sa Harap ng Pulang Bandila di AorinRei
61 parti Completa
Babaeng nagmula sa kasalukuyan ang napadpad sa yugto ng himagsikan. Naroon lamang upang masaksihan ang bawat kaganapan, ang mga kamalian na tugma sa pangyayari ng modernong panahon na dapat iwawasto. Ang mga maling paniniwala na dapat iwaksi. Subalit kailangang alalahanin na walang mababago ni isa sa mga nangyari sa kasaysayan. Isinasaad sa panaginip na lahat ng matututuhan ay dadalhin sa kasalukuyan, ang dunong at kagitingan na magsisilbing armas, kasangga ang nag-aalab na damdamin ng pusong makabayan, ang siyang maghahatid tungo sa tunay na kapayapaan. Ako'y nasanay na sa takbo ng panahong ito, tulad na rin ng kanilang hangarin "Maaari po ba akong sumapi?" Sinong mag-aakala na hindi lang pala iyon ang aking makukuha. "Malamang ay bulag ang iyong mga nakakasamang tao sapagkat hindi nila makita ang iyong karilagan o marahil sila'y nabulag na dahil sa pagkasilaw sa iyong rikit." Kapwa namin batid na hindi tugma subalit nagsalitan pa rin kami sumpaan Kaniyang ipinagtapat na ang tunay na nadarama "Isang karangalan Ang maiharap ka sa pulang bandila Pangako, kailanman Mamahalin ko'y ikaw, wala nang iba" Ano ang mangyayari kung magiging malapit ang loob sa mga bayani ng nakaraan lalo na at alam na alam ang kahihinatnan ng mga ito? Tila panghuhuli ng agila ang dalawang magkatunggaliang panig na magdalo upang pagkaisahin ang mamamayan ng lupang tinubuan. May pag-asa pa bang ayusin ang pingkian ng kasalukuyan? Ako si Idianale, ang tagapagsalaysay ng tunay na kaganapan sa kasaysayan.
Ang Asawa kong prinsipe (Fantasy World Series 1) di KEaisam
39 parti Completa Per adulti
_ito po ay kathang isip lamang. simula* Habang tinititigan ko siya ng matagal lalo akong nabibighani sa taglay niyang kagwapohan. siya ang asawa ko si Daniel di ko alam kong saan kami nag simula pero ang naaalala ko lang ay yung araw na kasal namin... baliw! tawag sakin ng mga kababaihan sa lugar namin. Andiyan nanaman si baliw hahaha nag iimagine na may asawa daw siya at daniel daw ang pangalan hahah e! wala ngang nagkakagusto sa kanya dito sa lugar natin hahahaha !! sabay sabay nila akong pinagtatawanan diko nlang pinapansin mga sinasabe ng mga tao sakin dahil alam ko ang totoo na may asawa na ako at si daniel yun at lalong hindi ako nag iilusyon dahil ramdam na ramdam ko ang pag mamahal niya sakin. bago ang lahat ako nga pala si Dayana mahaba ang buhok abot hanggang pwetan may bangs na halos di makita ang aking mga mata kayumanggi ang balat sabi ng lola ko maganda naman ako pero halos lahat ng tao sa lugar namin nilalait ako at tinatawag na baliw at ilusyonada nung una nasasaktan ako pero hindi nag tagal ay wLa na tila manhid na ako sa mga sinasabe nila . nakatira nga pala kasi sa paanan ng bundok malapit sa may falls napakaganda ng falls dito samin napaka linaw ng tubig pero nag tataka ako kahit isang tao walang naliligo dito ayaw pumonta dahil daw sabi sabi nila ay lugar daw yun ng mga Engkanto pero para sakin walang nakakatakot dito dahil dito ko nakilala si Daniel nag iisang lalaking tumanggap sakin.. _____ this is my first story po kaya sorry sa wrong typos hehe admin plss po accept this story thank u.
Flowers Bloom (Completed) di tephoney
54 parti Completa
Kailan ba kita makikita ulet? Pinipilit kong kalimutan ka pero naging bahagi ka pa rin ng buhay ko. Naging malawak ang espasyo mo dito sa puso ko. Isang kang nakaraan na kahit na anong pigil ko ay hindi ka nawawala dito sa isipan ko lalo na sa puso ko. Inaasam ko pa rin na sana balang-araw ay mahagilap ko man lang kahit na ang anino mo. Bata man ako noon pero alam ko na ang salitang pagmamahal. Naramdaman ko yun nung tumibok ang puso ko sa unang pagkakataon sa edad na sampung taon. Nandun ang kilig. Nandun ang sobrang saya. Nandun ang tawanan. Nandun ang kulitan. Nandun ang paglalambing mo pero dahil sa'yo nasaktan din ako't umiyak. Hindi ka na bumalik muli. Hindi mo tinupad ang mga pangako mo sa'kin. Nangako ka sa edad na labing-tatlong taon. Tatlong taon ang pagitan ng edad natin pero ramdam ko ang sinseridad mo dahil umasa ako. Lumaki man ako nun sa bahay-ampunan ay pinunan naman ni mother ang kulang sa'kin. Buo at totoo ang pagmamahal na ipinakita niya sa'kin. Kuya ko magpakita ka na. Nasa'n ka na? Tatlong taon ang lumipas nung hindi ka na nagpakita ay umaasa pa rin ako pero natuto akong buksan ang puso ko para sa iba. Ngayon ay apat na taon na kami, kuya. Malapit na ring maging labing-isang taon na hindi ka na nagpapakita sa'kin. Masakit isipin pero umaasa pa rin ako na makikita kitang muli. Gusto kong sabihin sa'yo na salamat sa mga sayang idinulot mo sa buhay ko. Gusto kitang makita. Magpakita ka na. Hinihintay ko pa rin ang pagbabalik mo. Gusto kitang tanungin ng bakit. Gusto kong pakinggan ang mga dahilan mo. Magpakita ka lang. Tatanggapin kita ... bilang nakaraan ko na lang.
Potrebbe anche piacerti
Slide 1 of 9
Skeletons In the Closet (wlw) cover
Way Back Since 1892 cover
Sa Harap ng Pulang Bandila cover
My pErfect bOss [ completed ] cover
My Sinisinta (TO BE PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE) cover
It's Just A Fantasy - A Novel by Martha Cecilia cover
Ang Asawa kong prinsipe (Fantasy World Series 1) cover
Darling (Not a Love Story) cover
Flowers Bloom (Completed) cover

Skeletons In the Closet (wlw)

34 parti Completa Per adulti

Nagmula sa mahirap na pamilya si Gabrielle kaya't matapos makapag aral agad syang nangibang bansa ng mabigyan ng pagkakataon. Doon nya nakilala si Andrea, kaagad nahulog ang loob nya para dito hanggang sa dumating sa puntong di nya na kaya pang mabuhay ng wala ang dalaga. Ilang buwan lang din ng magpa kasal sila ng di batid ng pamilya nya. Nangangamba syang di matanggap ng pamilya nya ang bagay na ito. Naging masaya sya sa piling nito ng mahuli nya itong may kahalikang babae sa gabi ng wedding anniversary nila. Parang tinalukbungan sya ng pulang kumot ng sandaling iyon at walang pagdadalawalang isip na nilisan nya ang Dayuhang bansa. Bumalik sya sa Pilipinas at nag desisyong kalimutan na ito ng tuluyan. Isa lang ang naiisip nyang gawin ng mag lakas loob itong magpakita sa kanya at sundan sya. Iyon ay ang sipain ito pabalik sa bansang pinagmulan. Pero paano nya magagawa iyon kung magpapa kilala ito bilang asawang matagal nya ng itinatago? Disclaimer... This book's story is fictitious. Names, Characters, place, business, events and incidents are product of my own imagination. Any resemblance to actual persons living or dead, or actual event is purely coincidental....