"Anyone can be destined for you if they want to." Sabi ko at napaisip naman siya.
"Sa hinaba-haba ng mga taong lumipas, yan ang narealize ko. Yung taong kasama mo ngayon? Yung first love mo? Possibleng maging kayo hanggang dulo kung parehong gusto niyo. Mga hadlang? Maling panahon, tamang tao? I don't believe that. Possible na maging maling panahon para sa inyo ngayon pero kung siya yung tamang tao para sayo, kapag dumating na yung tamang panahon at gusto niyo pa ring ituloy kung ano mang meron kayo, kayo talaga ang para sa isa't isa. That's why they say love takes time and love can wait. Hihintayin niyong maging pabor sa inyong dalawa yung panahon, hindi yung maghahanap ng iba. Yung instead of maghanap ng iba, you will wait, and while you wait, you improve yourself." Tuloy ko sa sinasabi ko habang tulala sa langit.
"Pero paano mo malalaman kung hindi para sayo yung tao?" Tanong niya.
"Simple. Pag lahat ng ginagawa niya is para lumayo ka. How? Binabalewala ka." Tumango-tango naman siya.
"Kapag inuulit-ulit niya lang mga nakakasakit sayo. Pag wala siyang balak na makipagtulungan sayo para umayos relasyon niyo...kapag wala siyang balak na mag-improve para sa inyong dalawa." Panandaliang katahimikan ang naghari sa amin ni Giselle.
"Kaya kung paulit-ulit kang nasasaktan. Alam mo na ibig sabihin nun. Agree naman ako na pain yung kakambal ng love. And you do choose kung sino worth it na tao sa kasakitan mo. Pero wag mong kalimutan. Hindi dapat siya yung kaaway mo. Hindi dapat siya yung nananakit sayo. It should be the world who makes you two suffer, not make each other suffer. Yun yung pain na worth it. Yung nahihirapan ka para sa isang tao, hindi yung nahihirapan ka dahil sa isang tao."
Started: May 21, 2024
Published: May 25, 2024
Ended:
All Rights Reserved