Hindi maganda. Iyan ang salita na palagian niya kung sambitin sa tuwing nakikita niya ang sarili sa salamin. Wala raw espesyal sa kaniya, maliban sa kaniyang mga mata na tinataglay ang bughaw na kulay. Kung kaya ay ganoon na lamang ang pagtingala niya sa isang babaeng tila nasa kaniya na ata ang lahat. Gusto niya na maging katulad nito, isang pulgada na lang ata ang layo sa salitang perpekto. Paano kung isang araw, ang kahilingan niyang ito ay matupad? Paano kung sa isang kisap ng mata, ay makuha niya ang minimithi ng puso? Sa pagkakataon bang ito ay tuluyan na siyang masisiyahan? O mas lalo niyang maiintindihan ang dapat matagal na niyang naunawaan? You may notice some typographical and grammatical errors. This story is unedited. Written by: bloodycattygreen Status: Completed Genre: Teen Fiction/Fantasy Date started: May 26, 2024 Date ended: June 26, 2024 -BCG- bloodycattygreen All rights reserved 2024.