Beneath The Dawn (Valentino Cousins Series 1) Tulad ng pagsikat ng araw sa kalawakan, para sa karamihan, hudyat ito ng panibagong hamon sa buhay at problema. Ngunit para kay Perciana, ito'y hudyat ng panibagong simula at pag-asa. She has always admired the sight of the dawn slowly coming through the sky. It eases all the pain in her heart, no matter how cruel it is. No matter how bloody it is. But what if even if the person she love the most pushed her to despise the only healing she has? Ika nga nila, hindi mo mapipilit ang isang tao na hindi gustuhin ang isang bagay lalo na kung ito ang tanging bagay na nakapagpapaligaya sa kanya. Beneath the dawn where the peace should be... sa ilalim ng bukang-liwayway kung saan naroon dapat ang pahinga at ang paghilom. Paano nalang kung sa tuwing titignan ito ni Perciana ay purong poot lamang ang madarama niya? Baka nga tama sila. Na sa muling pagsikat ng araw, ito'y hudyat ng panibagong hamon sa buhay. Hudyat na kailangang tiisin lahat ng sakit. Kahit na mapait, kahit na mahirap.