Ang tiwala ni Grey sa pag ibig ay nawasak nang sandaling 'di siya siputin ng kanyang kasintahan sa araw na mag po-propose na sana siya. Subalit, nagbago ang takbo ng kanyang kapalaran nang mag krus ang landas niya kay February Montero. Isang volunteer teacher at founder ng Little Smile Organization. Sa edad na 22 ay na diagnosed si February sa sakit na ovarian cysts na posibleng humantong na maging cancer na nag wasak sa pangarap niya na maging isang ina. Sa pagtatagpo ng dalawang pusong sugatan, sumibol ang hindi inaasahang koneksyon na nagbigay daan sa pagtuklas ng landas tungo sa paghilom.