ANG MISTERYOSONG PUMAPATAY SA PANAGINIP [COMPLETED]
32 parts Complete Si Yana ay isang ordinaryong estudyante, ngunit nagbago ang kanyang buhay nang magkaroon siya ng kakayahang maglakbay sa mundo ng mga panaginip. Nagsimula ito sa isang kakila-kilabot na insidente sa classroom, nang biglang namatay ang isa niyang kaklase habang natutulog. Bigla na lamang nagkaroon ng mga sugat at dugo ang katawan ng kaklase niya habang ito'y natutulog, na para bang inatake at pinatay siya ng isang nilalang sa kanyang panaginip. Dito nagsimula ang paglalakbay ni Yana sa mundo ng panaginip, kung saan makikilala niya ang mga nilalang na babago sa kanyang ordinaryong buhay.