Minahal. Pastense. That was how she described her feelings for him. Aaminin ni Zera na minahal niya ng todo si Vester, sa puntong inialay niya ang buhay niya para sa ikabubuti nito ngunit hindi niya aakalaing binigyan siya ng panginoon ng ikalawang tyansa upang mabuhay ulit. Hindi niya sasayangin ang buhay na ibinigay sa kanya upang mahulog ulit sa iisang lalaki, hindi niya hahayaan na mabaliw ulit dahil sa pag-ibig, this time around, she will focus more on herself. Pero hindi yata madali ang takasan ang gulong ng tadhana, kung kailan ba naman siya umiwas ay siya namang habol ng habol ni Vester, kahit anong gawin niya parang bubble gum ang lalaki na nakadikit na yata sa kanya, hindi naman sinabi ng lalaki na mas gusto pala nito na ito ang naghahabol.