Pagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa kasamaang palad, naiwan niya ang kanyang wallet sa sasakyan. Doon siya tinulungan ng kapwa-pilipino. Ang akala nito ay isa siyang TNT. Dahil wala siyang maipakitang papeles, tinulungan siya nitong makabayad ng pagkain at hotel. At higit sa lahat, tinulungan siya nitong makapasok ng trabaho. Isang trabahong lingid sa kaalaman ng babae, siya ang CEO.