Mga pusong unang umibig. Unang umasa. Unang nawasak. Unang umiyak. Unang nasaktan. Unang iniwan. Mga teenagers na inaakalang alam na kung ano ang ibig sabihin ng salitang 'pagmamahal'. Mga minsan nang umasa sa wala. 'Yung mga taong nagselos pero wala namang 'sila'. Mga taong nahulog pero hindi naman sigurado kung may sasalo. Hayaan mo hindi ko iisipin na ang weird mo. Hindi ko rin itatatak sa isip ko na ang tanga tanga tanga mo para manghula sa wala. Huwag kang mag-alala.. Pareho lang tayo gaga ! ~Kendi --- Si Kendi, hindi ordinaryong babae. Minsan nang umibig. Kumabaga once in a lifetime. Ano kayang mararamdaman niya? Paano kung masaktan siya? Makakaya niya kayang bumangon? Sa pagbangon niya may aabot ba? Mahuhulog kaya siyang muli sa iba? Ang tanong may sasalo ba? Tunghayan ang kanyang kwento, kwentong baka naranasan na ng iba sa inyo. --- Pusong Teenager ni Haning Polangi [April 10, 2015]