Akala ko, tulad ng mga kwento sa Wattpad, ang ganitong klaseng istorya ay likha lamang ng imahinasyon. Ngunit nalaman ko, pati na rin sa totoong buhay, nagaganap ang mga misteryo ng pag-ibig. Sabi nga nila, "Love moves in mysterious ways," at tila totoo nga iyon. Pinaniniwalaan kong ang Panginoong Diyos ang sumusulat ng ating mga love story. Sa kabila ng lahat, patuloy kong hinahangaan ang isang tao na tila hindi ko maaabot. Ang aking pag-ibig na hindi maikukubli, dahil lahat ng nakakakilala sa akin, alam ang tungkol sa'yo.