"Hindi ko alam kung paano nagsimula. Hindi ko din alam kung paano tatapusin...." Madaming bagay na siguro tayong pinagdedesisyunan sa buhay. Madaming iniisip at madaming tinatago. Kagaya ko na lang... Nagmahal pero hindi kayang sabihin. Bakit? Dahil hindi pwede. Ayaw kong may masaktan. At ayaw ko lalo ang makapanakit. Kagaya na lang ni Giselle na isang masipag na mag estudyante. Nahulog siya pero hindi naman alam kung may sasalo. Sasaluhin nga ba siya? O magpaparaya na lang. Masasaktan siya pero muling babangon. Makakatagpo ng uunawa at iintindi sa kanya pero tatanggapin niya ba ito? Mahuhulog din ba siya? Pero lumaban siya hanggang sa tinanggap niya lahat ng mga maling desisyon niya. Tumayo sa sariling siya na walang nasasaktan. Dahil sabi niya "huwag na huwag kang susuko hangga't alam mong may ilalaban pa ito".
More details