Malaki ang paniniwala ni Mira sa existence ng mga nilalang na kung tawagin ay GUARDIAN ANGELS - mga magagandang nilalang na may pakpak, maaamo ang itsura, at lubos ang kabaitan. Para sa kanya, sila ang mga itinalagang magbantay, mag-alaga at gumabay sa bawat tao. Ngunit sa huling taon ng kanyang pag-aaral ay nangyari ang hindi nya kailanman inaasahan sa tanang buhay nya - ang makita ang sarili nyang Guardian Angel. Nahirapan syang maniwala na may totoong Guardian Angel. Pero mukhang mas nahirapan syang paniwalaan na ang Guardian Angel nyang ito ay ibang-iba sa akala nya. Mira: Walastik na Guardian Angel ito ah, MAY ATTITUDE?! My Guardian Supladong Angel -by cindie L.-