Life begins at the end of your comfort zone. Para kay Abby, hindi mo kailangan ng maraming kasama at palaging lumabas para lang maramdaman ang tunay na saya. Mas gusto nyang manatili sa kaniyang silid at gawin ang maraming bagay nang hindi kinakailangang lumabas kaysa ang makipag socialize sa ibang tao at galugarin ang buhay sa labas. Siya'y matalino, creative, maraming hangarin, mahiyain ngunit may paninindigan. Marami siyang kayang gawin na tanging siya lang ang nakaka alam maliban sa paborito niyang aso na si Cookie. Masaya na siya sa pananatili sa kaniyang bahay kahit at walang social life. Masaya ngunit nag iisa. Habang si Kenny naman ay isang extrovert. Reliable, confident, adventurous, palatawa, may mahabang pasensya, matabang utak at malawak na pag iisip. Magaling siyang makipag kaibigan kaya naman kahit saan siya pumunta at may kakilala. Para sa kanya, masaya ang buhay kung sasamahan mo ng pakikipag halubilo sa ibang tao. Naniniwala siya na hindi dapat inaaksaya ang hiram na buhay kaya naman hindi siya nag aaksaya ng oras para manatili sa bahay kundi tuklasin ang makulay na mundo. At dahil sa magkaibang paniniwala at paninindigan ay magkakaroon ng hidwaan sa pagitan nina Abby at Kenny na itinadhana upang magtagpo ang kanilang landas. Sino ang may mas matigas na paniniwala at paninindigan? Hanngang saan aabot ang kanilang hidwaan?