Ako nga pala si Liam. Hindi mo ako kilala? Juan Liam ang pangalan ko. Kilala mo na ako? Hindi pa rin? Magulo ba? Mas magulo ang buhay ko... Buhay ko simula noong nagmahal ako. Hindi mo talaga ako kilala? Dito sa istoryang ito makikilala mo ako. Yung Liam na hindi ko pinakita sa kanila. Sabi nila, hindi nya daw ako deserve. Sabi nila, hindi daw kami bagay. Dahil ang isang Liam daw ay hindi nababagay na mahalin ang isang social climber LANG. Masakit eh. Yung binabasura nila yung mahal mo? Kung nambasura ka na dati, wag mo nang uulitin. Dahil sinasabi ko na sayo, ngayon pa lang, na hindi mahalaga ang estado ng buhay sa larangan ng pag-ibig. Kung nagmahal ka na, mararamdaman mo rin ang naramdaman ko. Sabi nga nila, 'LOVE conquers all'. Walang pinipili ang pag-ibig. Dahil lahat tayo, bata at matanda, babae at lalake, ay nararapat makaramdam ng pagmamahal. "Wala na akong pakialam sa sinasabi nila, ipaglalaban pa rin kita" [WARNING: Not suitable for kids]
9 parts