"Ipinangako ko sa sarili kong by hook or by crook, I'll make this girl mine. All mine." Sa pagnanais na turuan siyang maging independent, pinilit ng mga magulang ni Marjorie na magtrabaho siya sa kompanya ng kaibigan ng mga ito---sa opisina ni Onofre Carvajal. Rich, spoiled, and beautiful, noong una'y naturalmenteng rebellious siya. Ngunit napalitan iyon ng ibang damdamin nang makilala na niya nang personal si Onofre. Dapat ay Adonis ang pangalan ng lalaking ito! isip niya. Guwapo, simpatiko, at nakakapagpakabog-dibdib kapag ngumingiti--head over heels agad siya kay Onofre sa unang tingin pa lamang niya rito. Nagsimula siyang mangarap na may romance sanang mamagitan sa kanila. At kung kailan mukhang magkakaroon na ng pag-asang magkatotoo ang pangarap na iyon, saka naman...