Tigib ng romansa ang mga panaginip ni Timmy.
Isang Spanish don ang kaulayaw niya... at walang patumangga ang pagpapaubaya niya ng buong katawan, puso, at kaluluwa sa lalaki - sa kabila ng katotohanang noon lang sila nagkita...
Isang gabi, naisilip niya sa largabista ang isang guwapong lalaki sa bagong building di-kalayuan sa bahay nila.
Si Rick - masungit, arogante, matangkad, mayaman, at guwapo.
Ganoon na lamang ang kalabog sa dibdib na naramdaman niya sa una nilang pagkikilala, sa puntong kinailanganang magpanggap siyang pipi.
Gayunpaman ay pilit niyang kinukumbinsi ang sariling hindi si Rick ang lalaki sa kanyang mga panaginip...
Hanggang sa halikan siya nito nang marahas sa mga labi...
Pambayad-utang. Kahit kailan ay hindi makakapayag si Cera na iyon ang dahilan para magpakasal siya kay Adam Bustamante, lalo at kahit na katiting na pag-ibig ay wala siyang nararamdaman para rito.
She ran away at dahil doon ay nagtagpo ang landas nila ni Kent Limjuco. Ang kaisa-isang binata na kahit ang simpleng paggiti ay sapat na para maging eratiko ang tibok ng
aamdamin sa kayang systin kais sang dini an
para ipagkaloob niya ang sarili sa binata nang walang pag-aalinlangan.
Paano na kung sa kabila niyon ay matutuloy rin pala ang pagpapakasal niya kay Adam? Paano niya sisimulan ang bawat umaga sa kanyang buhay sa piling ni Adam gayong si Kent ang tangi niyang inaasam?