Limang taon mula nang makitil ang kanyang kababata sa giyera kontra droga, isinumpa ni Clair sa sarili na kailanman ay hindi na siya babalik pa sa probinsya ng Quezon. Kinumbinsi niya ang sariling kuntento na siya sa buhay bilang isang simpleng mamamahayag sa lungsod ng Maynila. Ngunit nang maatasan siyang sumulat ng isang lathalain kaugnay ng insidenteng nagsilbing bangungot sa kanya gabi-gabi, isang bagay lamang ang napagtanto ni Clair - hindi gano'n kadali makatakas sa mga alaalaang pilit niyang ibinaon sa limot. At ayaw man niyang aminin sa sarili, ang kanyang nakaraan ay habambuhay na magiging bahagi niya. Pabalat: Las Hilanderas ni Diego Velázquez