Sa bayan ng San Joaquin noong ika-19 siglo, sinunog ng mga tao sa pamumuno ng isang kastilang kura ang buong angkan ng Silvestre dahil sa paniniwalang sila'y mga aswang. Akala ng lahat ay naglaho na nang tuluyan ang kanilang lahi ngunit lingid sa kanilang kaalaman na mayroon pang isang natitira-si Alodia Silvestre. Naiwan s'yang napuno ng galit ang puso at isinumpa niyang maghihiganti s'ya para sa kanyang mga angkan. Upang makapaghiganti at makalapit sa kura, namasukan s'ya sa kumbento kung saan ito nakatira nang hindi nito nalalaman. Subalit, hindi n'ya inakalang may isa pa lang makakapansin at magdududa sa kanya-si Valerio Aragon, isang guwardiya sibil at lihim na mangangaso ng mga aswang. Dahil sa kanyang presensya hindi naging madali ang paghihiganti ni Alodia lalo na't napapansin n'yang minamanmanan nito ang kanyang bawat galaw. Si Valerio na nanumpang protektahan ang kanyang bayan, si Alodia na nagnanais na maghiganti ay pilit na ipinaglapit ng tadhana. Lingid sa kanilang kaalaman na sila'y nakatakdang maging magkaaway, ngunit paano kung unti-unting tumibok ang damdamin sa pagitan nila? Maari kayang mag-ibigan ang dalawang nilalang na nakatakdang maging magkaaway?
More details