CARLOS: Ang Pinagpalang Barako
6 parts Ongoing MatureSYNOPSIS
Hindi na sekreto ang katauhang mayroon si Elio sa kanilang lugar. Halos lahat kasi ng mga tao sa'kanilang baryo ay alam nang maypagkamalambot siya kung kumilos, na ibang iba sa mga barako niyang kababata.
Magkaganon paman ay tanggap siya ng mga tao rito, lalo na't may respeto at lumaking mabuti ang binata.
Busog na busog sa pangaral at kagandahang asal ang ipinamana sa'kanya ng kanyang mga magulang, kaya naman lumaking may takot at respeto si Elio sa lahat.
Ngunit nang mawala ang kanyang mga magulang dahil sa bagyong rumagasa habang nasa karagatan ang mga ito, ay tuluyan nang pinagsakluban ng kalungkutan si Elio.
Mahirap man para sa'kanyang edad na dese otso (18), ay panaka naka niyang tinutulungan ang sariling makabangon mula sa pagkakalugmok na kanyang kinasadlakan.
Ngunit sa kadilimang kanyang nararanasan, ay dadating ang isang tulong na magpupukaw sa kanyang kamalayan at kainosentehan, na tuluyang gugupo sa kanyang isipang napuno ng kyuryosidad at kamunduhan dahil lang sa iisang nilalang.