20 parts Complete MatureSa gitna ng abalang Intramuros, tahimik na tumatawid si Isabella Valmoria sa pedestrian lane, nang bigla siyang salpukin ng rumaragasang sasakyan. Ang huling natatandaan niya ay ang malamig na kalsada sa ilalim ng kanyang katawan, bago siya tuluyang mawalan ng malay. Ngunit nang magising siya, hindi na siya nasa kasalukuyang panahon. Sa halip, bumalik siya sa taong 1898, sa katawan ng isang babaeng alipin.
Si Isabella, na minsan ay isang modernong babae, ay ngayon isang simpleng tagapaglingkod ng pinakamakapangyarihang pamilya sa Maynila-ang pamilyang Montaireza. Kilala ang mga Montaireza sa kanilang malawak na negosyo at impluwensya sa buong lungsod. Sila ay tinitingala at iginagalang, ngunit kinatatakutan din ng ilan. Ang kanilang nag-iisang tagapagmana, si Catalina Montaireza, ay kilala sa kanyang pagiging pabaya at mapagmataas. Sa kanyang mga mata, lahat ng kanyang naisin ay dapat mapasakanya-wala siyang pakialam kung sino ang madadamay.
Ngayon, si Isabella ay naitalaga bilang personal na tagapaglingkod ni Catalina. Sa kanyang bagong mundo, isang katanungan ang bumabagabag kay Isabella: Makakayanan ba niyang supilin ang matigas na loob ng kanyang amo? O si Catalina ang babago sa kanya?
Complete ✅