Nakapasok si Athena Herrera sa dream school niya pero ang inaasahan niyang masayang first day of school ay agad na naglaho. Sinalubong siya ng mga usapin na boyfriend niya daw ang popular guy ng school na si Akihiro Buenavista, anak ng pinakamayang pamilya sa lugar nila. Para sa kaligtasan niya, inalok siya ni Akihiro ng "fake relationship" na makatutulong daw sa kanilang dalawa. Sa mundong puno ng kasinungalingan, mahanap kaya nila ang katotohanan? Handa na nga bang harapin ni Athena ang komplikadong mundo ng mga Buenavista... at ang posibilidad na maging totoo ang pekeng relasyon nila?