Si Eusef ang isa sa maaaring maging tagapagmana ng ipinagmamalaking "Tuazon's Company" na itinatag at pinamunuan pa ng kaniyang Lolo at ngayo'y nasa pamamalakad ng kaniyang ama na si Eufemio Tuazon. Dadalawa lamang silang magkapatid, siya ang bunso habang si Euvan naman ang nakakatanda. But the truth is, Eusef and Euvan are halfbrother only. Anak sa pangalawa si Eusef. Bata pa lamang ay hindi na sila magkasundong magkapatid, sa kadahilanang magkapatid lamang sila sa ama. Ang ina ni Euvan ay si Aubrey na sa kasalukuyan ay nakakulong, at ang ina naman ni Eusef ay si Lily ang siyang asawa ni Eufemio. Sa kabilang dako, si Stephanie Suarez naman ay pinalaki mag-isa ng kaniyang ina na si Lyn. She grew inside house, as in. Hindi pinapayagan ni Lyn na lumabas ang anak nito dahil sa karamdaman nito. Ngunit, patuloy itong sasawayin ni Stephanie. Isang gabi, lumabas si Eusef upang pumunta sa "Paraiso Bar" at dito unang nagkaroon ng interaksiyon ang dalawa. Ngunit, hanggang kailan magtatagal ang kanilang pagmamahalan kung may pilit na hahadlang?... MIDNIGHT LOVE | KRISANTO MATURE CONTENT | R-18