Bumalik sa lugar si Mirah kung saan siya nakaranas ng matinding kabiguan dulot ng pagtataksil sa kaniya ng una niyang naging nobyo. Ito ay ayon sa payo ng kaniyang kaibigan upang baka sakali ay makatakas na siya sa kalungkutang nararamdaman hanggang sa ngayon sa kabila ng sampung taon na ang nakalilipas. Ngunit pagbalik niya sa lugar, matutuklasan niyang hindi ang dating nobyo ang dahilan ng kaniyang kalungkutan, kundi ang estudyanteng hindi niya kilala na dumamay sa kaniya nang gabing 'yon na durog na durog siya. Habang buhay na ba siyang malulungkot...All Rights Reserved