As graduation nears, Kairon plans to confess his love to her friend, Clair, only to get caught in a mix-up involving Clair's crush, Karl. ----- TRIGGER WARNING: Some scenes may have homophomic remarks. Reader discretion is advised. ----- "Karl. My name is Karl." Sa pagharap ko sa kanya ay sakto ding huminto siya. "I expect alam mo na na Karl ang pangalan ko kasi nga diba admirer kita?" That was a rhetorical question. I scoffed and rolled my eyes like an annoyed girl when he didn't respond. "Aren't you gonna say something.. Kairon?" Nang banggitin ko ang pangalan niya ay saka siya humarap. "Paano mo nalaman ang pangalan ko? Ikaw yata 'tong may gusto sa akin e!" He smirked. "Wait-stalker ka ba?" Grabe! He's giving me this dumb student vibes and brave for him to assume that. "Grabe naman, hindi ba pwedeng marunong lang akong magbasa ng id?" I crossed my arms and in return, I received nothing but a cold stare. I fixed him with a gaze, silently awaiting his reply. "Hello? Are you gonna confess or what? Umaandar yung oras oh!" He sneered. Nakaisip na yata ng isasagot. "Gusto mo ng Confession?" Tumango ako. "Edi mag padre ka! Tapos tuwing may mag co-confess sa'yo.. patawarin mo!" Honestly, wala akong naintindihan sa sinabi niya o kung ano man ang konekta nito sa sinasabi ko pero base sa tono ng kanyang pananalita ay palagay kong sarcasm iyon. "Patawarin?" Nagkamot siya ng ulo, halatang naiinis na sa akin. "Ako. Patawarin sana ako ng diyos kung sakaling may magawa man ako sayo ngayon." "Bakit?" Humakbang ako ng isa papalapit sa kanya, causing him to feel distracted. "Hahalikan mo ba ako, huh?" Wala akong natanggap na sagot, sa halip ay tumingin lamang siya ng diretso sa akin. Diretso sa aking mga mata hanggang unti-unti itong bumaba patungo sa aking mga labi. "Patawarin ka nga sana ng diyos,"